the real me :)

the real me :)

Tuesday, July 5, 2011

aking hiling :))

Bawat araw naghihintay
Kailan ka nga ba darating?
Paulit-ulit na tanong sa sarili

Bawat minuto'y kay tagal
Patuloy akong nadidiin
Umiiksi ang oras, di maibabalik

Kay tagal na naghintay, ngayo'y wala pa rin
Pag-ibig lang naman ang tangi kong hiling

Kay tagal na naghintay, ngayo'y wala pa rin
Pag-ibig lang naman aking hiling
Hanggang ngayo'y umaasa
Hanggang ngayo'y nananabik
Na kahit 'sang saglit ako ay mapansin

Bawat minuto'y kay tagal
Patuloy akong nadidiin
Umiiksi ang oras, di maibabalik

Ano pa ba ang dapat kong gawin?
Sana'y kahit minsan mapansin mo rin
Hanggang kailan ako magtitiis?
Kailan ka nga ba darating?
Pag-ibig lang lang naman aking hiling

*
para sayo toh ! promise :)) yun lang ang hiling ko '
sana maramdaman mu yun ! hindi nag babago yun !
mahal parin kita !

No comments: