the real me :)

the real me :)

Wednesday, February 9, 2011

Ano ba ang mundo ng LOVE ?

Bakit ba ganun ang mga lalaki?!?!
Ang hirap sakyan!
Pero hindi ko naman sinabing lalaki lang, may mga babae din naman na mahirap pakisamahan.
Pero in my case kasi, halos lahat ng nakikilala kong lalaki na later manliligaw saken, pag tumatagal ang hirap na nila pakisamahan. Anu bang problema niyo?!?!?!?!?

Nakakainis yung iba eh. Yung tipong nanliligaw pa lang, gusto nila yung parang kami na ang dating. Lapit ng lapit na parang anino. Minsan nakakairita na, hindi naman kasi kami diba?! Buti sana kung boyfriend ko na siya eh. Pero ang madalas na pagtingin, okay lang naman. Okay lang na palagi siyang nakatingin, pero wag naman ung as in PALAGI talaga na para ka ng tinutunaw sa tingin niya! WOW?! Pero ang talagang nabo-bother ako ay yung kung lumapit eh parang tuko? Kung hindi niyo alam kung anu ang tuko, never mind, magegets nyo rin ibig sabihin nun, just read further. Yung tipong sobrang lapit na niya kapag tumatabi siya sayo. As in magkadikit na talaga kayo. HELLO?!?! Diba nanliligaw pa lang naman kayo?!?! Bakit kung makalapit kayo eh ganun na?!?!
Wahehe!

Tapos nanliligaw pa lang naman, kung makapagselos ay parang kami na. Yung tipong, "Huh? Bakit, anong problema mo kung kausap ko siya, tayo ba? Bakit, ikaw lang ba ang pwedeng manligaw saken?!" Diba?!

Oh come on! Tanggapin na lang kasi ang mga sinasabi ko! Tsaka guys, sa mga nanliligaw at balak manligaw sa akin, SORRY kayo, mahirap akong i-please. Mahirap makuha ang loob ko. Pinapahirapan ko muna ang mga manliligaw ko noh! Syempre, naninigurado lang naman ako., kung talagang kaya niya ang lahat lahat para sa akin, para na rin masigurado ko na mahal talaga ako. Ayoko kasi ng lokohan na relasyon lang, gusto ko pangmatagalan na! Ayokong masayang ang oras ko sa maling lalaki, gusto ko yung tama lang para sa akin.
Oh ano? Masama ba yun?!?! Kasi naman ang daming manloloko sa inyo eh! Malay ko ba kung seryoso talaga kayo sa panliligaw?! Hindi ako mahirap pakisamahan at sakyan, gusto ko lang manigurado, yun lang yun. Pero once na nakita kong deserving talaga kayo, you'll never regret it! Hindi niyo lang kasi alam kung pano ako magmahal, hehe! PERO wag ka, kapag nakakita ako na there's something wrong about our relationship, haiy naku. Aayaw na rin ako. Kung laging may away, kung laging parang may mali sa pagsasama natin, ibig sabihin lang nun na hindi tayo para sa isa't isa. Bakit ko pagpipilitan kung hindi tayo for each other. Minsan kailangan lang talaga natin matutong mag-let go! Ganun talaga ang life. Minsan magkakamali ka sa pagpili, at sa pagkakamali mong yun, matututo ka ng a susunod, mas magiging wise ka na sa pagpili ng babae o lalaki na makakasama mo.Sometimes, there are people we can't love without, but has to let go. That's a thing called LIFE.

Marami pa diyan, HUWAG MAGMAMADALI! Huwag kang excited, mahahanap mo din naman siya. Ang love, para lang yang paru-paro. Kung patuloy ang paghahabol mo, lalo lang lilipad palayo sayo. Pero kung maghihintay ka lang at magiging kalmado, magugulat ka na lang na nanjan na ang paru-paro sa balikat mo, magugulat ka na yun na ang mismong lumapit sayo, For example, si Pedro, sa trabaho niya, may nakilala siyang babae named Ina. Pero wala pa siyang balak manligaw nun sa kahit na sino kasi inuuna niya muna ang trabaho. Pero habang tumatagal, nagkakamabutihan sila. At you fell in love with each other. Oh, kita mo, walang kapagod-pagod, hindi na naghanap si Pedro, bigla na lang lumitaw ang ♥LOVE♥ sa buhay niya, kasabay pa ng trabaho niya! Imagine, kung maghahanap ka ng magiging syota mo, magsasayang ka pa ng oras. Pag uwi mo sa trabaho, magsasayang ka pa ng oras sa internet sa paghahanap ng magagandang babae sa Friendster, at kukunin mo number nila. Eh hindi nga kayo magkakilala, what's the point?! Magsasayang ka pa ng oras sa pakikipagkita sa babae na tipo mo na galing lang naman sa Friendster. Eh kung gayahin mo si Pedro, hindi na siya nagsasayang ng oras sa pakikipagkita sa iba at sa paghahanap, dahil araw araw niya ng nakikita ang babaeng nagpatibok ng puso niya kasabay ng trabaho niya. Tsaka, andiyan lang naman ang babae o lalaki na para sa inyo. Trust God lang, bibigay Niya rin iyon sa inyo, believe me!

At maging maingat din kayo sa pagpili. Malay niyo sinusubukan lang kayo ni God, kung gaano kayo ka-wise. Baka binigyan Niya kayo ng dalawang babae, at kailangan pumili ng isa lang syempre, ISA lang ah! Pero nahihirapan kayo sa pagpili, dahil pareho silang kakaiba talaga. Dapat maging wise! Dahil minsan parang ilog yan na wala ng balikan, kung siya ang napili mo, siya na talaga! Timbangin ng mabuti, pero wag namang OA na kailangan pang gumamit ng timbangan. Haha! Pwera na lang kung ang tipo mo ng lalake o babae ay kailangan mataba at malusog, eh gumamit ka na talaga ng timbangan nun. Haha! At wag basta basta pumili. Pag isipan ng mabuti. Wag magmamadali, wag maging excited sa love.

At sa panliligaw, wag masyadong OVER! Dapat tama lang, at respetuhin niyo naman yung babae! Respetuhin niyo rin ang desisyon nila, kung hindi pa sila ready, wag makulit at wag pagpilitan! Lalo lang magkakagulo. Wag kayong tulad ng IBA JAN (tamaan sapul) na porket busted kung anu-ano ng paninira sinasabi dun sa tao. Kung iba ang gusto niya, wag muna sumuko, ipakita mo na deserving ka. Kung mahal mo siya, kailangan maging deserving ka. Pero kung hindi mo naman siya kayang panindigan, at hindi mo kayang magbago para sa kanya, WHAT'S THE POINT?! Hindi rin kayo magtatagal dahil hindi maganda ang chemistry niyo. Nagsayang lang kayo ng oras sa isa't isa, imbis na nakita mo na ang babae o lalaki na para sayo, nagsayang ka pa ng pagod at oras. Malay mo nasa tabi lang pala siya, pero hindi mo napansin dahil masyado kang busy sa maling babae/lalaki.

At sa mga babae, don't be cheap! Wag kayo manligaw, babae tayo, tayo ang dapat nililigawan. Wag maging low class! Wag bumaba ng level. Ang pangit ng image ng babae kung siya pa ang manliligaw.


Maging simple lang din kayo. Being simple is the perfect way to make somebody fall in love with you. Hindi porket sosi siya, papakasosi ka rin. At bigla mo na lang magugustuhan ang break dance kahit hindi ka naman marunong dahil lang sa kanya. Bigla mong nagustuhan ang smile ni Mona Lisa kahit hindi mo naman alam kung anu ba talaga ang kakaiba sa kaniya. BE YOURSELF! That's the best way para manilove siya sayo. Kung magpapakasosyal effect ka, wala ring magagawa yun para makuha ang loob niya. Kasi pag nalaman niya na nagsinungaling ka lang, masisira lang tiwala niya sayo at hindi rin kayo magtatagal. Remember: Walang lihim na hindi nabubunyag.
Isa pa, kung TALAGANG mahal ka niya, matatanggap niya naman yun eh diba?
Pero hindi ko naman sinasabi na kung ganyan na kayo, yan na talaga ang ipakita niyo sa kaniya. Magbago din naman kayo kahit papano, pero yung MAGANDANG pagbabago naman! For example, lasenggero ka. Porket ba ganun ka na talaga, hindi mo na babaguhin yun at kailangan niya ng tanggapin yun dahil mahal ka niya? HINDI rin noh! Oo nga mahal ka niya at tanggap niya yun, pero mas magiging maganda kung magbabago ka para sa kaniya, para mapatunayan mo rin na mahal mo siya. Give and Take lamang pare!

At wag naman epal. Wag kagad maiinlove. Wag magpapadala sa kasabihang, "Love at first sight"! Porket ba maganda siya, in love ka na kagad sa kaniya?! Porket ba matalino, in love ka na kagad?! Gosh?!?! Siguro pwede kung crush lang naman, pero wag naman LOVE, iba ang meaning ng Love, napakalalim nun. Wag kagad manligaw! Eh kasi naman, hindi niyo naman kilala yung tao eh. Malay mo maganda nga, panget naman yung ugali. Hindi mo rin siya masasakyan kaagad, hindi rin kayo magkakaintindihan. Kilalanin mo muna siya. Mamaya may hindi ka pala magugustuhan sa kaniya, nagpadala ka lang sa kagandahan at katalinuhan niya. Pag naging kayo, another waste of time lang yan pare, kasi hindi maganda ang naging pagsasama niyo kasi hindi niyo pala talaga gusto ang isa't isa sa natuklasan niyo kay babae o kay lalake. Kilalanin niyo muna, mas maganda kung kilala niyo para subok na, mas maganda nga kung magiging friends muna kayong dalawa eh, nang sa ganun nakilala niyo na ang isa't isa at naging kumportable na kayo in the company of each other. Yung iba gwapo, gwapo, tsaka gwapo. Wow?! Porket gwapo siya na kagad?! Panu kung gwapo lang talaga siya, at wala na? Aanhin mo kagwapuhan nun?! Makakain mo ba kagwapuhan niya pag naghihirap na kayo at kahit pambili ng tuyo hindi kayo makabili dahil wala siyang matinong trabaho?

Minsan mag iingat din kayo, malay mo iba pala ang gusto niya sayo kaya ka niya niligawan. Malay mo pera lang. Malay mo gagamitin ka lang pala niya. Kaya nga kung magpapaligaw ka, mas maganda ng subukan mo na yung guy eh, patayin mo na sa hirap! hehehehe. Wag naman, subukan niyo lang naman siya. Wag naman yung super hirap, kasi baka isipin pa nun pinaglalaruan mo lamang siya. Take it easy naman kahit papano. Maging pakipot, but don't overdo it. Wag OA sa pagpapakipot. At sa mga guys naman, kilalanin niyo muna yung liligawan niyo. Kung alam niyong manggagamit, wag niyo na ligawan dahil baka gamitin lang kayo. Pero kung sakaling nagbago na siya at hindi ka niya gagamitin, makikita niyo naman yun sa kaniya eh, mahahalata niyo kung ginagamit lang ba kayo o hindi. Huwag kayo magpakamartyr, kung alam mong nasasaktan ka na, wag na pagpilitan, wag mong hintaying puro sakit na lang ang nararamdaman mo sa kaniya!
At wag bibigay. Kita mo si Jennelyn Mercado, nabuntis na nga, nagkamali pa sa pagpili ng lalaki. Kita mo, ang ganda ganda ng career niya eh nasira dahil walang ingat yung napili niyang lalaki Pero dapat rin maingat din siya, HALER, hindi naman puro sa lalaki lang ang ingat diba! Kita mo, sinayang niya lang ang career niya, may gagawin pa naman siyang show, ung "Maging Akin ka Lamang". Tapos parang nagkamali pa siya sa pagpili ng lalaki, kung kailan nabuntis na si Jennelyn, dun lumabas yung tunay na ugali ni Patrick. Bigla na lang daw umiinit ang ulo ng walang dahilan. Yun pa ba ang LOVE?! Dapat tanggapin mo yun, anak mo yun eh, at asawa mo na rin yung nabuntis moh. Panindigan mo pare. Blessing yun kay God. At mag ingat ka! Respetuhin mo ang boundaries nga mga babae, dapat may limit kayong dalawa. Respect her! Magpakasal muna bago yun. Pero hindi magandang reason ay porket buntis na ay magpapakasal na kayo, mahal niyo ba talaga ang isa't isa? At yung papakasalan mo ba ay yung tamang babae o lalaki para sa inyo? Pero ang mahirap jan, kailangan panindigan mo talaga dahil ginawa mo eh. Suffer the consequences. Mag ingat kasi at pag isipan muna ang gagawin para hindi magkamali-mali. LOOK BEFORE YOU LEAP.
At minsan pag napagtanto nila na wala na silang mapakain sa anak nila, dun na nag aaway. Ang mag boyfriend nga nag aaway palagi eh, ang mag asawa pa kaya?


Kung nabasted ka naman, huwag kang mahiya! Bakla ka ba para mahiya?! Wag mong ideny, wag mong itago na basted ka. Maganda nga yun eh, kasi nagkaroon ka ng lakas ng loob na sabihin sa kaniya yung nararamdaman mo. Hindi ka WEAK! Dahil naipagtapat mo sa kaniya na may gusto ka sa kaniya. At huwag din kagad sumuko porket nabusted ka. Malay mo yung nililigawan mo ay katulad ko rin, masyadong HARD-TO-GET kahit may interes naman sayo kahit papano, marahil dahil naninigurado lamang siya sayo. Hindi mo rin siya masisisi, siguro ayaw niya masaktan ulit at magsayang nanaman ng oras sa maling lalaki. Pero kung ayaw talaga, edi wag! Wag mapilit, marami pa diyang iba noh! Mas maganda, mas mabait, mas matalino!



Haiy........ Ang complicated at ang gulo talaga ng mundo ng ♥Love♥...
Pero hindi niyo naman dapat tandaan lahat ng rules and regulations about Love, ang kailangan lang naman talaga para maging maganda ang kalalabasan ng lahat ay yung tamang pag iisip, pagdedesiyon, at faith kay God, dahil kadalasan ay na kay God ang sagot sa lahat ng tanong mo, kahit sa buhay pag ibig man o sa kahit ano. Nasasayo na yun kung susunod ka sa tama o susunod ka sa bulong ng devil hehe. ;))

REMEMBER: NASA HULI ANG PAGSISISI.

No comments: